1. O Diyos, ang hibik ko, ang aking dalangin sana ay pakinggan,sa pagkaligalig dahil sa kaaway, huwag akong hayaan;
2. ipagtanggol ako sa mga pakana't lihim na sabwatan,niyong mga pangkat na ang binabalak pawang kasamaan.
3. Ang kanilang dila'y katulad ng tabak na napakatalas,tulad ng palasong iniaasinta kung sila'y mangusap.