Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 60:8-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. Yaong bansa nitong Moab ay gagawin kong hugasan,samantalang itong Edom ay lupa kong tatapakan;at sa Filistia, tagumpay ko'y ipagsisigawan.”

9. Sa lunsod na kinutaan, sino'ng kasama, Panginoon?Sino kayang magdadala sa akin sa lupang Edom?

10. Itinakwil mo ba kami, kami ba ay iniwan na?Paano ang hukbo namin, sino ngayon ang sasama?

11. O Diyos, kami'y tulungan mo, laban sa aming kaaway,pagkat ang tulong ng tao ay wala nang kabuluhan;

12. Kung ang Diyos ang kasama, kasama sa panig namin,matatamo ang tagumpay, ang kaaway tatalunin.