Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 60:3-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Labis na ang paghihirap nitong iyong mga lingkod,lasing kami't langung-lango sa alak na iyong dulot.

4. Silang mga sumasamba, O Diyos, iyong hinudyatan,upang sila'y makatakas sa kamay nitong kalaban. (Selah)

5. Ang dalangin nami'y dinggin, sa lakas mo ay iligtas,upang sila na mahal mo'y mahango sa paghihirap.

6. Sinabi nga nitong Diyos mula sa dako niyang banal,“Hahatiin ko ang Shekem tanda ng pagtatagumpay;ibibigay ko ang Sucot sa lingkod ko't mga hirang.

7. Ang Gilead at Manases, ang lugar na yao'y akin;ang helmet na gagawin ko ay ang dako ng Efraim;samantalang itong Juda ay setrong dadakilain.

8. Yaong bansa nitong Moab ay gagawin kong hugasan,samantalang itong Edom ay lupa kong tatapakan;at sa Filistia, tagumpay ko'y ipagsisigawan.”

9. Sa lunsod na kinutaan, sino'ng kasama, Panginoon?Sino kayang magdadala sa akin sa lupang Edom?

10. Itinakwil mo ba kami, kami ba ay iniwan na?Paano ang hukbo namin, sino ngayon ang sasama?