Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 60:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Kami'y iyong itinakwil, O Diyos, kami ay nilupig,kami sana'y balikan mo kung ikaw man ay nagalit.

2. Yaong lupang sinaktan mo'y nanginginig na lupain,bago lubos na mawasak, gamutin mo't pagalingin.

3. Labis na ang paghihirap nitong iyong mga lingkod,lasing kami't langung-lango sa alak na iyong dulot.

4. Silang mga sumasamba, O Diyos, iyong hinudyatan,upang sila'y makatakas sa kamay nitong kalaban. (Selah)

5. Ang dalangin nami'y dinggin, sa lakas mo ay iligtas,upang sila na mahal mo'y mahango sa paghihirap.