Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 6:6-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Pinanghihina ako nitong aking karamdaman;gabi-gabi'y basa sa luha itong aking higaan,binabaha na sa kaiiyak itong aking tulugan.

7. Mata ko'y namamaga dahil sa aking pagluha,halos di na makakita, mga kaaway ko ang may gawa.

8. Kayong masasama, ako'y inyong layuan,pagkat dininig ni Yahweh ang aking karaingan.

9. Dinirinig ni Yahweh ang aking pagdaing,at sasagutin niya ang aking panalangin.

10. Ang mga kaaway ko'y daranas ng matinding takot at kahihiyan;sila'y aatras at sa biglang pagkalito'y magtatakbuhan.