11. Huwag mong papatayin,nang di malimutan ng iyong mga lingkod.Sa taglay mong lakas pangalatin sila at iyong isabog;ikaw ang sanggalang, Yahweh, aming Diyos.
12. Sa kanilang labi'ypawang kasamaan ang namumutawi;sa pagmamataas, ang aking dalangin, sila ay mahuli,pagkat sinungaling at sa pangungutya, sila'y nawiwili.
13. Wasakin mong lubos,dahil sa iyong galit, ganap mong wasakin;dito malalamanng lahat, na ika'y hari ng Israel,at sa sansinukob ikaw ang hari din. (Selah)
14. Pagdating ng gabi,sila'y nagbabalik sa loob ng lunsod;asong kumakahol ang nakakatuladhabang naglilibot.
15. Animo'y lagalag,lakad lang nang lakad, pagkain ang hanap;hindi masiyahan, kapag ang nakuha nila'y hindi sapat.
16. Ngunit aawit ako,pagkat ang taglay mo'y pambihirang lakas,sa tuwing umaga ang aawitin ko'y pag-ibig mong wagas;pagkat ika'y muog, sa buhay kong ito,at aking kanlungan kapag lugmok ako.
17. Pupurihin kita,tagapagtanggol ko at aking kanlungan,Diyos kong mapagmahal.