Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 57:4-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Kasama ko'y mga leon, kapiling ko sa paghimlay,mabangis na mga hayop na sisila sa sinuman;parang sibat at palaso yaong ngipin nilang taglay,matulis ang mga dila na animo'y mga sundang.

5. Purihin ka nawa, O Diyos, sa rurok ng kalangitan;dito naman sa daigdig ay ang iyong karangalan!

6. Nadarama ng sarili, lagi na lang pagdurusa;hinuhuli ng kaaway; masilo ako, nais nila,ngunit sila ang nahulog sa bitag na inihanda. (Selah)

7. Panatag na ako, O Diyos, ako ngayo'y matatag,purihin ka at awitan, ng awiting masisigla.

8. Gumising ka, kaluluwa, gumising ka't purihin siya!Gumising ka't tugtugin mo yaong lumang lira't alpa;tumugtog ka at hintayin ang liwayway ng umaga.

9. Sa gitna ng mga bansa, kita'y pasasalamatan;Yahweh, ika'y pupurihin sa gitna ng iyong bayan.

10. Pag-ibig mong walang maliw ay abot sa kalangitan,nadarama sa itaas ang lubos mong katapatan.

11. Purihin ka nawa, O Diyos, sa rurok ng kalangitan;dito naman sa daigdig ay ang iyong karangalan!