1. Maawa ka, Panginoon, ako'y iyong kahabagan,lagi akong inuusig, nilulusob ng kaaway;
2. nilulusob nila ako, walang tigil, buong araw,O kay rami nila ngayong sa akin ay lumalaban.
3. Kapag ako'y natatakot, O aking Diyos na Dakila;sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala.
4. Pangako niyang binitiwa'y pinupuri ko nang lubos,tanging sa iyo, umaasa't nananalig ako, O Diyos;sa tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.
5. Ang lahat ng kaaway ko'y lagi akong ginugulo,ang palaging iniisip ay kanilang saktan ako;
6. Lagi silang sama-sama sa kublihan nilang dako,naghihintay ng sandali upang kitlin ang buhay ko.