Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 55:8-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. Ako ay hahanap agad ng kanlunganupang makaiwas sa bagyong darating.”

9. Sila ay wasakin, Yahweh, guluhin mo; pag-uusap nila'y bayaang malito,yamang karahasan ang nakikita ko, at sa lunsod nila ay nagkakagulo.

10. Sa lunsod na puno ng sama't ligalig,araw-gabi'y doon sila lumiligid;

11. Sa gitna ng lunsod na wasak nang tunay, naghahari pa rin ang katiwalian;pati pang-aapi ay nasasaksihan.

12. Kaya kong mabata at mapagtiisan,kung ang mangungutya ay isang kaaway;kung ang maghahambog ay isang kalaban,kayang-kaya ko pang siya'y pagtaguan!

13. Ang mahirap nito'y tunay kong kasama,aking kaibigang itinuturing pa!

14. Dati'y kausap ko sa bawat sandaliat maging sa templo, kasama kong lagi.

15. Biglang kamatayan nawa ay dumating,ihuhulog ng buháy, sa daigdig ng mga patay;sa kanilang puso't maging sa tahanan, yaong naghahari'y pawang kasamaan.

16. Kay Yahweh lang ako hihingi ng saklolo;aking natitiyak, ililigtas ako.

17. Sa umaga't hapon, maging sa gabi rin.Aking itataghoy ang mga hinaing,at ang aking tinig ay kanyang diringgin.

18. Ililigtas ako mula sa labanan,at pababaliking taglay ang tagumpay,matapos gapiin ang mga kaaway.

19. Ang Diyos na hari sa mula't mula paay diringgin ako, lulupigin sila; (Selah)pagkat ni sa kanya'y wala silang takot,ayaw nang magbago at magbalik-loob.