Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 55:1-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang panalangin ko, O Diyos, pakinggan,mga daing ko ay huwag namang layuan.

2. Lingapin mo ako, ako ay sagipin,sa bigat ng aking mga suliranin.

3. Sa maraming banta ng mga kaaway,nalilito ako't hindi mapalagay.Ang dulot sa akin nila'y kaguluhan,namumuhi sila't may galit ngang tunay.

4. Itong aking puso'y tigib na ng lumbay,sa aking takot na ako ay pumanaw.

5. Sa tindi ng takot, ako'y nanginginig,sinasaklot ako ng sindak na labis.

6. Wika ko, “Kung ako lamang ay may pakpak, parang kalapati, ako ay lilipad;hahanapin ko ang dakong panatag.

7. Aking liliparin ang malayong lugar,at doon sa ilang ako mananahan. (Selah)

8. Ako ay hahanap agad ng kanlunganupang makaiwas sa bagyong darating.”

9. Sila ay wasakin, Yahweh, guluhin mo; pag-uusap nila'y bayaang malito,yamang karahasan ang nakikita ko, at sa lunsod nila ay nagkakagulo.

10. Sa lunsod na puno ng sama't ligalig,araw-gabi'y doon sila lumiligid;