Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 54:1-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Makapangyarihang Diyos, ako'y iligtas,ipagsanggalang mo ng iyong lakas.

2. Dinggin mo, O Diyos, aking panalangin,iyo ngang pakinggan, aking mga daing.

3. Ang nagmamataas ay laban sa akin,hangad ng malupit ang ako'y patayin,kanilang nilimot na ang Diyos ay sundin. (Selah)

4. Batid kong ang Diyos ang siyang tutulong,tagapagsanggalang ko, aking Panginoon.

5. Ang hinahangad ko ay maparusahan sa gawang masama ang mga kaaway;ang Diyos na matapat, sila'y wawakasan.

6. Buong galak naman akong maghahandogng pasasalamat kay Yahweh,dahilan sa kanyang kagandahang-loob.

7. Iniligtas ako sa kabagabagan, iniligtas niya sa mga kaaway,at aking nakitang sila ay talunan!