Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 51:12-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas,ibalik at ako po'y gawin mong tapat.

13. Kung magkagayon na, aking tuturuangsa iyo lumapit ang makasalanan.

14. Ingatan mo ako, Tagapagligtas koat aking ihahayag ang pagliligtas mo.

15. Tulungan mo akong makapagsalita,at pupurihin ka sa gitna ng madla.

16. Hindi mo na nais ang mga handog;di ka nalulugod, sa haing sinunog;

17. ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapatay ang pakumbabá't pusong mapagtapat.

18. Iyong kahabagan, O Diyos, ang Zion;at ang Jerusalem ay muling ibangon.