Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 51:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos,sang-ayon sa iyong kagandahang-loob;mga kasalanan ko'y iyong pawiin,ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!

2. Linisin mo sana ang aking karumhan,at patawarin mo'ng aking kasalanan!

3. Mga pagkakasala ko'y kinikilala,di ko malilimutan, laging alaala.

4. Sa iyo lang ako nagkasalang tunay,at ang ginawa ko'y di mo kinalugdan;kaya may katuwiran ka na ako'y hatulan,marapat na ako'y iyong parusahan.