Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 50:2-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Magmula sa dakong Zion, ang lunsod ng kagandahan,makikita siyang nagniningning sa kaluwalhatian.

3. Ang Diyos natin ay darating, ngunit hindi matahimik;sa unaha'y nangunguna ang apoy na nagngangalit,bumabagyong ubod-lakas, humahangin sa paligid.

4. Ginagawa niyang saksi ang lupa at kalangitan,upang masdan ang ganitong paghatol sa mga hirang:

5. “Ang lahat ng matatapat na lingkod ko ay tipunin,silang tapat sa kasunduan at nag-aalay ng handog.”

6. Ang buong kalangita'y naghahayag na ang Diyos,isang hukom na matuwid, kung humatol ay maayos. (Selah)

7. “Kayong aking mga lingkod, makinig sa sasabihin;ako ay Diyos, ang inyong Diyos, salita ko'y unawain;ako'y mayroong patotoo't saksi laban sa Israel.

8. Hindi ako nagagalit dahilan sa inyong handog,ni sa inyong mga haing sa dambana'y sinusunog,

9. bagaman ang mga toro'y hindi ko na kailangan,maging iyang mga kambing at ang inyong mga kawan.

10. Pagkat akin iyang hayop sa gitna ng kagubatan,maging bakang naglipana sa maraming kaburulan.

11. Akin din ang mga ibong lumilipad sa itaas,at ang lahat na may buhay sa parang ay akin lahat.