Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 50:19-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

19. “Mabilis ang inyong dila sa masamang sasabihin;sa inyo ay bale-wala ang gawaing pagsisinungaling.

20. Handa ninyong paratangan maging tunay na kapatid,at kay daming kapintasang sa kanila'y nasisilip.

21. Kahit ito ay ginawa hindi kayo pinupuna,kaya naman ang akala, kayo't ako'y magkaisa.Ngunit ngayon, panahon nang kayo'y aking pagwikaan,upang inyong maunawa ang ginawang kamalian.

22. “Kaya ngayo'y dinggin ito, kayong sa aki'y di pumapansin,kapag ako'y di dininig, kayo'y aking wawasakin;walang sinumang sa inyo'y makakaligtas sa akin.

23. Ang parangal na nais ko na sa aki'y ihahain,ay handog ng pasalamat, pagpupuring walang maliw;akin namang ililigtas ang lahat na masunurin.”