Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 50:11-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Akin din ang mga ibong lumilipad sa itaas,at ang lahat na may buhay sa parang ay akin lahat.

12. “Kung ako ma'y nagugutom, hindi ko na sasabihin,yamang lahat sa daigdig na narito'y pawang akin.

13. Ang karne ng mga toro, iyon ba'y aking pagkain?At ang inumin ko ba'y dugo ng mga kambing?

14. Ang ihandog ninyo sa Diyos ay ang inyong pasalamat;ang pangakong handog ninyo ay tuparin ninyong lahat.

15. Kung kayo ay may bagabag, ako lagi ang tawagin;kayo'y aking ililigtas,ako'y inyong pupurihin.”

16. Ang tanong ng Panginoon sa masama't mga buktot,“Bakit ninyo inuusal ang aking mga utos?Gayundin ang kasunduang hindi ninyo sinusunod?

17. Kapag kayo ay tinutuwid, agad kayong napopoot,at ni ayaw na tanggapin ang aking mga utos;

18. ang makitang magnanakaw ang nagiging kaibigan,at taong mapang-apid ang siya ninyong kasamahan.

19. “Mabilis ang inyong dila sa masamang sasabihin;sa inyo ay bale-wala ang gawaing pagsisinungaling.

20. Handa ninyong paratangan maging tunay na kapatid,at kay daming kapintasang sa kanila'y nasisilip.