Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 50:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang Makapangyarihang Diyos, si Yahweh ay nagsasaysay,ang lahat ay tinatawag sa silangan at kanluran.

2. Magmula sa dakong Zion, ang lunsod ng kagandahan,makikita siyang nagniningning sa kaluwalhatian.

3. Ang Diyos natin ay darating, ngunit hindi matahimik;sa unaha'y nangunguna ang apoy na nagngangalit,bumabagyong ubod-lakas, humahangin sa paligid.

4. Ginagawa niyang saksi ang lupa at kalangitan,upang masdan ang ganitong paghatol sa mga hirang:

5. “Ang lahat ng matatapat na lingkod ko ay tipunin,silang tapat sa kasunduan at nag-aalay ng handog.”

6. Ang buong kalangita'y naghahayag na ang Diyos,isang hukom na matuwid, kung humatol ay maayos. (Selah)