Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 49:9-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. upang siya ay mabuhay nang hindi na magwawakasat sa labi ng libingan ay hindi na mapasadlak.

10. Alam naman niyang lahat ay mamamatay,kasama ang marunong, maging mangmang o hangal;sa lahing magmamana, yaman nila'y maiiwan.

11. Doon sila mananahan sa libingan kailanpaman,kahit sila'y may lupaing pag-aari nilang tunay;

12. maging sikat man ang tao, hinding-hindi maiwasankatulad din noong hayop, tiyak siyang mamamatay.

13. Masdan ninyo yaong taong nagtiwala sa sarili,at sa kanyang kayamanan ay nanghawak na mabuti: (Selah)

14. Tulad niya'y mga tupa, sa patayan din hahantong,itong si Kamatayan ang kanyang magiging pastol.Ang matuwid, magwawagi kapag sumapit ang umaga,laban doon sa kaaway na ang bangkay ay bulok nasa daigdig ng mga patay, na malayo sa kanila.

15. Ngunit ako'y ililigtas, hindi ako babayaan,aagawin ako ng Diyos sa kamay ng kamatayan. (Selah)

16. Di ka dapat mabagabag, ang tao man ay yumaman,lumago man nang lumago yaong kanyang kabuhayan;

17. hindi ito madadala kapag siya ay namatay,ang yaman ay hindi niya madadala sa libingan.

18. At kahit na masiyahan ang tao sa kanyang buhay,dahilan sa sinusuob ng papuri't nagtagumpay;

19. katulad ng ninuno niya, siya rin ay mamamatay,masasadlak pa rin siya sa dilim na walang hanggan.

20. Ang tao mang dumakila ay iisa ang hantungan,katulad ng mga hayop, tiyak siyang mamamatay!