Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 49:16-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Di ka dapat mabagabag, ang tao man ay yumaman,lumago man nang lumago yaong kanyang kabuhayan;

17. hindi ito madadala kapag siya ay namatay,ang yaman ay hindi niya madadala sa libingan.

18. At kahit na masiyahan ang tao sa kanyang buhay,dahilan sa sinusuob ng papuri't nagtagumpay;

19. katulad ng ninuno niya, siya rin ay mamamatay,masasadlak pa rin siya sa dilim na walang hanggan.

20. Ang tao mang dumakila ay iisa ang hantungan,katulad ng mga hayop, tiyak siyang mamamatay!