Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 49:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Bawat isa ay makinig, makinig ang sino pa man,kahit saan naroroon ay makinig ang nilalang!

2. Kahit ikaw ay dakila o hamak ang iyong lagay,makinig na sama-sama ang mahirap at mayaman.

3. Itong aking sasabihi'y salitang may karunungan,ang isipang ihahayag, mahalagang mga bagay;

4. Ang pansin ko ay itutuon sa bugtong na kasabihan,sa saliw ng aking alpa'y ihahayag ko ang laman.

5. Hindi ako natatakot sa panahon ng panganib,kahit pa nga naglipana ang kaaway sa paligid—