Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 48:3-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Sa piling ng Diyos ligtas ang sinuman,sa loob ng muog ng banal na bayan.

4. Itong mga hari ay nagtipun-tipon,upang sumalakay sa Bundok ng Zion.

5. Sila ay nagulat nang ito'y mamasdan,pawang nagsitakas at nahintakutan.

6. Ang nakakatulad ng pangamba nilaay pagluluwal ng butihing ina.

7. Tulad ng malaking barkong naglalayag, sa hanging silangan dagling nawawasak.Ang naglalakihang barkong naglalayag.

8. Sa banal na lunsod ay aming namasidang kanyang ginawa na aming narinig;ang Diyos na si Yahweh, Makapangyarihan,siyang mag-iingat sa lunsod na banal, iingatan niya magpakailanman. (Selah)

9. Sa loob ng iyong templo, aming Diyos,nagunita namin pag-ibig mong lubos.

10. Ika'y pinupuri ng lahat saanman,sa buong daigdig ang dakila'y ikaw,at kung mamahala ay makatarungan.

11. Kayong taga-Zion, dapat na magalak!At ang buong Juda'y magdiwang na lahat,dahilan kay Yahweh sa hatol niyang tumpak.

12. Ang buong palibot ng Zion, lakarin, ang lahat ng tore doon ay bilangin;

13. ang nakapaligid na pader pansinin, mga muog nito'y inyong siyasatin;upang sa susunod na lahi'y isaysay,

14. na ang Diyos, ay Diyos natin kailanman,sa buong panahon siya ang patnubay.