Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 48:1-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Dakila si Yahweh, dapat papurihan, sa lunsod ng Diyos, bundok niyang banal.

2. Ang Bundok ng Zion, tahanan ng Diyos ay dakong mataas na nakalulugod;bundok sa hilaga na galak ang dulot, sa lahat ng bansa nitong sansinukob.

3. Sa piling ng Diyos ligtas ang sinuman,sa loob ng muog ng banal na bayan.

4. Itong mga hari ay nagtipun-tipon,upang sumalakay sa Bundok ng Zion.

5. Sila ay nagulat nang ito'y mamasdan,pawang nagsitakas at nahintakutan.

6. Ang nakakatulad ng pangamba nilaay pagluluwal ng butihing ina.

7. Tulad ng malaking barkong naglalayag, sa hanging silangan dagling nawawasak.Ang naglalakihang barkong naglalayag.

8. Sa banal na lunsod ay aming namasidang kanyang ginawa na aming narinig;ang Diyos na si Yahweh, Makapangyarihan,siyang mag-iingat sa lunsod na banal, iingatan niya magpakailanman. (Selah)

9. Sa loob ng iyong templo, aming Diyos,nagunita namin pag-ibig mong lubos.

10. Ika'y pinupuri ng lahat saanman,sa buong daigdig ang dakila'y ikaw,at kung mamahala ay makatarungan.