Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 47:5-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Lumuklok sa trono si Yahweh na ating Diyos,sigawan at trumpeta ang siyang tumutunog.

6. Purihin ang Diyos, siya ay awitan,awitan ang hari, siya'y papurihan!

7. Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa;awita't purihin ng mga nilikha!

8. Maghahari siya sa lahat ng bansa,magmula sa tronong banal at dakila.

9. Sa mga hinirang ng Diyos ni Abraham,sasama ang mga pamunuan ng lahat ng bansa sa sandaigdigan.Ang mga sandata ng lahat ng kawal,lahat ay sa Diyos na kataas-taasan.