Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 47:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Magdiwang ang lahat ng mga nilikha!Pumalakpak kayong may awit at tuwa, bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!

2. Ang Diyos na si Yahweh, Kataas-taasan, ay dakilang haring dapat na igalang;siya'y naghahari sa sangkatauhan.

3. Tayo'y pinagwagi sa lahat ng tao,sa lahat ng bansa'y namahala tayo.

4. Siya ang pumili ng ating tahanan,ang lupang minana ng mga hinirang. (Selah)

5. Lumuklok sa trono si Yahweh na ating Diyos,sigawan at trumpeta ang siyang tumutunog.