1. Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan,at handang saklolo kung may kaguluhan.
2. Di dapat matakot, mundo'y mayanig man,kahit na sa dagat ang bundok matangay;
3. kahit na magngalit yaong karagatan,at ang mga burol mayanig, magimbal. (Selah)
4. May ilog ng galak sa bayan ng Diyos,sa banal na templo'y ligaya ang dulot.
5. Ang tahanang-lunsod ay di masisira;ito ang tahanan ng Diyos na Dakila,mula sa umaga ay kanyang alaga.