3. O ikaw na haring bantog, isakbat mo ang sandata;sagisag mo'y maharlika, malakas nga't dakila ka!
4. Maglakbay kang mayro'ng dangal tinataglay ang tagumpay,alang-alang sa matuwid, ipagtanggol ang katuwiran;tagumpay ay matatamo sa lakas mong tinataglay.
5. Palaso mo'y matatalim, pumapatay ng kaaway;susuko ang mga bansa at sa iyo'y magpupugay.
6. Iyang tronong tinanggap mo na kaloob ng Diyos,isang tronong magtatagal at hindi na matatapos;matuwid kang maghahari sa bansa mong nasasakop.
7. Katarunga'y iyong mahal, sa masama'y namumuhi;kaya naman ang iyong Diyos, tanging ikaw ang pinili;higit sa sinumang hari, kagalakang tanging-tangi.
8. Sa damit mo'y nalalanghap, tatlong uri ng pabango,mira, aloe saka kasia na buhat sa ibang dako;inaaliw ka ng tugtog sa garing na palasyo mo.
9. O kay gagandang prinsesa ang katulong na dalaga,samantalang sa kanan mo, nakatayo yaong reyna,palamuti'y gintong lantay sa damit na suot niya.
10. O kabiyak nitong hari, ang payo ko'y ulinigin;ang lahat mong kamag-anak at ang madla ay limutin.
11. Sa taglay mong kagandahan ang hari ang paibigin;siya'y iyong Panginoon, marapat na iyong sundin.
12. Yaong mga taga-Tiro, handog nila ay dadalhin,pati mga mayayaman sa iyo ay susuyo rin.
13. Ang prinsesa sa palasyo'y pagmasdan mo't anong ganda;sinulid na gintung-ginto ang hinabing damit niya.
14. Sa magara niyang damit, sa hari ay pinapunta,mga abay ay kasama, haharap sa hari nila.