Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 45:11-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Sa taglay mong kagandahan ang hari ang paibigin;siya'y iyong Panginoon, marapat na iyong sundin.

12. Yaong mga taga-Tiro, handog nila ay dadalhin,pati mga mayayaman sa iyo ay susuyo rin.

13. Ang prinsesa sa palasyo'y pagmasdan mo't anong ganda;sinulid na gintung-ginto ang hinabing damit niya.

14. Sa magara niyang damit, sa hari ay pinapunta,mga abay ay kasama, haharap sa hari nila.

15. Sama-samang masasaya, ang lahat ay nagagalaknagsipasok sa palasyo, kanyang hari ay hinanap.

16. Darami ang iyong supling, sa daigdig maghahari,kapalit ng ninuno mo sa sinundang mga lahi.

17. Dahilan sa aking awit, ikaw nama'y dadakila,kailanma'y pupurihin nitong lahat na nilikha!