Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 45:1-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Kay gagandang pangungusap ang naroon sa isipan,habang aking hinahabi ang awit sa haring mahal;ang katulad ng dila ko ay panulat ng maalam,panulat ng dalubhasang sumulat ng kasaysayan.

2. Sa lahat nga ng nilikha, makisig kang hindi hamak,kapag nagtatalumpati'y pambihira kung mangusap;ikaw nga ay pinagpala ng Diyos sa tut'wina.

3. O ikaw na haring bantog, isakbat mo ang sandata;sagisag mo'y maharlika, malakas nga't dakila ka!

4. Maglakbay kang mayro'ng dangal tinataglay ang tagumpay,alang-alang sa matuwid, ipagtanggol ang katuwiran;tagumpay ay matatamo sa lakas mong tinataglay.

5. Palaso mo'y matatalim, pumapatay ng kaaway;susuko ang mga bansa at sa iyo'y magpupugay.

6. Iyang tronong tinanggap mo na kaloob ng Diyos,isang tronong magtatagal at hindi na matatapos;matuwid kang maghahari sa bansa mong nasasakop.

7. Katarunga'y iyong mahal, sa masama'y namumuhi;kaya naman ang iyong Diyos, tanging ikaw ang pinili;higit sa sinumang hari, kagalakang tanging-tangi.