Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 44:1-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang gawa mo noong una dakilang mga bagay,narinig po namin, O Diyos, sa ninuno naming mahal;

2. Pinalayas mo ang Hentil sa sarili nilang bayan,at ang mga hinirang mo ang siya mong inilagay;sila'y iyong pinagpala't pinaunlad yaong buhay,samantalang iyong iba ay parusa ang nakamtan,

3. hindi sila ang gumapi sa lupain na minana,hindi sila nagtagumpay dahilan sa lakas nila;hindi tabak ang ginamit, ni ginamit na sandata,kundi lakas mo, O Diyos, noong ikaw ang kasama;oo, ito'y ginawa mo pagkat mahal mo nga sila.

4. O Diyos, ikaw ang hari ko na nagbigay ng tagumpay,pagwawagi'y kaloob mo sa bayang iyong hinirang.

5. Dahilan sa iyong lakas, talo namin ang kaaway,pagkat ikaw ang kasama, kaya sila napipilan.

6. Palaso ko, aking tabak, hindi ko rin inasahan,upang itong kaaway ko ay magapisa labanan.

7. Ngunit ikaw ang nanguna kaya kami nagtagumpay,sa sinumang namumuhing malulupit na kaaway.