1. Ang gawa mo noong una dakilang mga bagay,narinig po namin, O Diyos, sa ninuno naming mahal;
2. Pinalayas mo ang Hentil sa sarili nilang bayan,at ang mga hinirang mo ang siya mong inilagay;sila'y iyong pinagpala't pinaunlad yaong buhay,samantalang iyong iba ay parusa ang nakamtan,
3. hindi sila ang gumapi sa lupain na minana,hindi sila nagtagumpay dahilan sa lakas nila;hindi tabak ang ginamit, ni ginamit na sandata,kundi lakas mo, O Diyos, noong ikaw ang kasama;oo, ito'y ginawa mo pagkat mahal mo nga sila.