Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 41:7-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Ang lahat ng namumuhi'y ang lagi nilang usapan,ako raw ay ubod sama, ang panabi sa bulungan.

8. Ang sakit ko, sabi nila, ay wala nang kagamutan,hindi na makakabangon sa banig ng karamdaman.

9. Lubos akong nagtiwala sa tapat kong kaibigankasalo ko sa tuwina karamay sa anuman;ngunit ngayon, lubos siyang naging taksil na kalaban.

10. Sa akin ay mahabag ka, Yahweh, ako'y kaawaan;ibalik mo ang lakas ko't kaaway ko'y babalingan.