Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 41:6-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Yaong mga dumadalaw sa akin ay hindi tapat;ang balitang masasama ang palaging sinasagap,at saan ma'y sinasabi upang ako ay mawasak.

7. Ang lahat ng namumuhi'y ang lagi nilang usapan,ako raw ay ubod sama, ang panabi sa bulungan.

8. Ang sakit ko, sabi nila, ay wala nang kagamutan,hindi na makakabangon sa banig ng karamdaman.

9. Lubos akong nagtiwala sa tapat kong kaibigankasalo ko sa tuwina karamay sa anuman;ngunit ngayon, lubos siyang naging taksil na kalaban.

10. Sa akin ay mahabag ka, Yahweh, ako'y kaawaan;ibalik mo ang lakas ko't kaaway ko'y babalingan.

11. Kung ikaw ay nalulugod, ganito ko malalaman,sa aki'y di magwawagi kahit sino ang kaaway.

12. Tulungan mo ako ngayon, yamang ako'y naging tapat.Sa piling mo ay patuloy na ingatan akong ganap.

13. Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel!Purihin siya, ngayon at magpakailanman!Amen! Amen!