Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 38:13-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Para akong bingi na di makarinig,at para ring pipi na di makaimik;

14. sa pagsasanggalang ay walang masabi,walang marinig katulad ng isang bingi.

15. Ngunit saiyo, Yahweh, ako'y may tiwala,aking Diyos, ika'y tiyak na tutugon.

16. Aking panalangin, iyong pakinggan, itong mga hambog, huwag mong hayaan,sa aking kabiguan, sila'y magtawanan.

17. Sa pakiramdam ko, ako'y mabubuwal,mahapdi't makirot ang aking katawan.

18. Aking ihahayag ang kasalanan ko,mga kasalanang sa aki'y gumugulo.

19. Mga kaaway ko'y malakas, masigla;wala mang dahila'y namumuhi sila.