1. Yahweh, huwag mo po akong kagalitan!O kung galit ka ma'y huwag pong parusahan.
2. Ang iyong palaso'y tumama sa akin;at iyong mga kamay, hinampas sa akin.
3. Ako'y nilalagnat dahil sa iyong galit;dahil sa sala ko ako'y nagkasakit.
4. Ako'y nalulunod sa taglay kong sala, sa dinami-rami ay para nang baha;mabigat na lubha itong aking dala.
5. Malabis ang paglala nitong aking sugat,dahil ginawa ko ang hindi nararapat;
6. Wasak at kuba na ang aking katawan;sa buong maghapo'y puspos ng kalungkutan.
7. Dumapong lagnat ko'y apoy na sa init,lumulubhang lalo ang taglay kong sakit.
8. Ako'y nanghihina at nanlulupaypay,puso'y dumaraing sa sakit na taglay.
9. O Yahweh, hangad ko'y iyong nababatid;ang mga daing ko'y iyong dinirinig.
10. Ang aking puso ay mabilis ang tibok, ang taglay kong lakas, pumapanaw na halos;ningning ng mata ko'y pawa nang naubos.
11. Mga kaibiga't mga kapitbahay ay nagsisilayo, ayaw nang dumalawdahil sa sugat ko sa aking katawan;lumalayo pati aking sambahayan.