Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 37:4-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan,at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.

5. Ang iyong sarili'y sa kanya italaga,tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala.

6. Ang kabutihan mo ay magliliwanag,katulad ng araw kung tanghaling-tapat.

7. Sa harap ni Yahweh ay pumanatag ka, maging matiyagang maghintay sa kanya;huwag mong kainggitan ang gumiginhawa,sa likong paraan, umunlad man sila.

8. Huwag kang mapopoot ni mababalisa, iyang pagkagalit, iwasan mo sana;walang kabutihang makakamtan ka.

9. Ang nagtitiwala kay Yahweh, mabubuhay, ligtas sa lupain at doon tatahan,ngunit ang masama'y ipagtatabuyan.

10. Hindi magtatagal, sila'y mapaparam,kahit hanapin mo'y di masusumpungan.

11. Tatamuhin ng mga mapagpakumbabá, ang lupang pangako na kanyang pamana;at sa lupang iyon na napakasagana, ang kapayapaa'y matatanggap nila.

12. Ang taong masama'y laban sa matuwid,napopoot siyang ngipi'y nagngangalit.

13. Si Yahweh'y natatawa lang sa masama,pagkat araw nila lahat ay bilang na.

14. Taglay ng masama'y pana at patalim,upang ang mahirap dustai't patayin,at ang mabubuti naman ay lipulin.