Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 37:31-40 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

31. Ang utos ng Diyos ang laman ng puso,sa utos na ito'y hindi lumalayo.

32. Ang taong masama'y laging nag-aabang,sa taong matuwid nang ito'y mapatay;

33. ngunit hindi naman siya hahayaang mahulog sa kamay ng mga kaaway;di rin magdurusa kahit paratangan.

34. Manalig ka kay Yahweh, utos niya'y sundin;ikaw ay lalakas upang ang lupain ay kamtin,at ang mga taksil makikitang palalayasin.

35. Ako'y may nakitang taong abusado,itaas ang sarili ang kanyang gusto; kahoy sa Lebanon ang tulad nito.

36. Lumipas ang araw, ang aking napuna, nang ako'y magdaan, ang tao'y wala na;hinanap-hanap ko'y di ko na makita.

37. Ang taong matuwid ay inyong pagmasdan,mapayapang tao'y patuloy ang angkan.

38. Ngunit wawasaking lubos ang masama,lahi'y lilipulin sa balat ng lupa.

39. Ililigtas ni Yahweh ang mga matuwid,iingatan sila kapag naliligalig.

40. Sasaklolohan sila't kanyang tutulunganlaban sa masama, ipagsasanggalang;sapagkat si Yahweh ang kanilang sandigan.