31. Ang utos ng Diyos ang laman ng puso,sa utos na ito'y hindi lumalayo.
32. Ang taong masama'y laging nag-aabang,sa taong matuwid nang ito'y mapatay;
33. ngunit hindi naman siya hahayaang mahulog sa kamay ng mga kaaway;di rin magdurusa kahit paratangan.
34. Manalig ka kay Yahweh, utos niya'y sundin;ikaw ay lalakas upang ang lupain ay kamtin,at ang mga taksil makikitang palalayasin.
35. Ako'y may nakitang taong abusado,itaas ang sarili ang kanyang gusto; kahoy sa Lebanon ang tulad nito.