Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 37:10-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Hindi magtatagal, sila'y mapaparam,kahit hanapin mo'y di masusumpungan.

11. Tatamuhin ng mga mapagpakumbabá, ang lupang pangako na kanyang pamana;at sa lupang iyon na napakasagana, ang kapayapaa'y matatanggap nila.

12. Ang taong masama'y laban sa matuwid,napopoot siyang ngipi'y nagngangalit.

13. Si Yahweh'y natatawa lang sa masama,pagkat araw nila lahat ay bilang na.

14. Taglay ng masama'y pana at patalim,upang ang mahirap dustai't patayin,at ang mabubuti naman ay lipulin.