1. Kasalana'y nangungusap sa puso ng masasama, sa kaibuturan ng puso doon ito nagwiwika;tumatanggi sa Diyos at ni takot ito'y wala.
2. Ang palagay sa sarili, siya'y isang dakila na;ang akala'y hindi batid ni Yahweh ang kanyang sala, kaya't kanyang iniisip, hindi siya magdurusa.
3. Kung mangusap ay masama at ubod nang sinungaling;dahop na ang karunungan sa paggawa ng magaling.
4. Masama ang binabalak samantalang nahihimlay,masama rin ang ugali,at isa pang kasamaa'y ang laging inaakap ay gawaing mahahalay.