8. Hindi nila alam sila'y mawawasak,sila'y mahuhulog sa sariling bitag;sa hinukay nilang balon, sila'y lalagpak.
9. Dahilan kay Yahweh, ako'y magagalak;sa habag sa akin ako'y iniligtas.
10. Buhat sa puso ko'y aking ihahayag,“Tunay ikaw, Yahweh, ay walang katulad!Iniingatan mo laban sa malakas, ang mga mahihina't taong mahihirap,at sa nang-aapi, sila'y ililigtas.”
11. Ang mga masama'y nagpapatotoo,at nagpaparatang ng hindi totoo, sa pagkakasalang walang malay ako.
12. Sa gawang mabuti, ganti ay masama;nag-aabang sa akin at nagbabanta.
13. Kapag sila'y may sakit, ang ginagawa ko,nagdaramit-luksa at nag-aayuno;at nananalangin na yuko ang ulo.
14. Para bang ang aking idinadalangin ay isang kapatid na mahal sa akin;Lumalakad ako na ang pakiramdam,wari'y inulila ng ina kong mahal.