7. Ni walang dahilan, ang hangad sa akinako ay ihulog sa balong malalim, na ginawa nila upang ako'y dakpin.
8. Hindi nila alam sila'y mawawasak,sila'y mahuhulog sa sariling bitag;sa hinukay nilang balon, sila'y lalagpak.
9. Dahilan kay Yahweh, ako'y magagalak;sa habag sa akin ako'y iniligtas.
10. Buhat sa puso ko'y aking ihahayag,“Tunay ikaw, Yahweh, ay walang katulad!Iniingatan mo laban sa malakas, ang mga mahihina't taong mahihirap,at sa nang-aapi, sila'y ililigtas.”
11. Ang mga masama'y nagpapatotoo,at nagpaparatang ng hindi totoo, sa pagkakasalang walang malay ako.
12. Sa gawang mabuti, ganti ay masama;nag-aabang sa akin at nagbabanta.
13. Kapag sila'y may sakit, ang ginagawa ko,nagdaramit-luksa at nag-aayuno;at nananalangin na yuko ang ulo.
14. Para bang ang aking idinadalangin ay isang kapatid na mahal sa akin;Lumalakad ako na ang pakiramdam,wari'y inulila ng ina kong mahal.
15. Nagagalak sila kapag ako'y may dusa;sa aking paligid nagtatawanan pa.Binubugbog ako ng di kakilala,halos walang tigil na pagpaparusa.
16. Natutuwa silang ako'y maghinagpis;sa galit sa akin, ngipi'y nagngangalit.
17. Hanggang kailan pa kaya, O Yahweh, maghihintay ako sa mahal mong tulong?Iligtas mo ako sa ganid na leon;sa paglusob nila't mga pagdaluhong.
18. At sa gitna niyong mga kapulungan, ikaw, O Yahweh, pasasalamatan;pupurihin kita sa harap ng bayan.
19. Huwag mong tutulutang ang mga kaaway,magtawanan sa aking mga kabiguan;gayon din ang may poot nang walang dahilan,magalak sa aking mga kalumbayan.