Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 35:3-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Dalhin mo ang iyong palakol at sibat,at sila'y tugisin hanggang sa mautas.Sabihin mong ikaw ang Tagapagligtas ng abang lingkod mo, O Diyos na marilag!

4. Silang nagnanasang ako ay patayinay iyong igupo at iyong hiyain;at ang nagtatangkang lumaban sa akin,hadlangan mo sila at iyong lituhin.

5. Gawing parang ipa na tangay ng hangin,habang tinutugis ng sinugong anghel.

6. Hayaang magdilim, dumulas ang landas,ang anghel ni Yahweh, sa kanila'y wawasak.

7. Ni walang dahilan, ang hangad sa akinako ay ihulog sa balong malalim, na ginawa nila upang ako'y dakpin.

8. Hindi nila alam sila'y mawawasak,sila'y mahuhulog sa sariling bitag;sa hinukay nilang balon, sila'y lalagpak.

9. Dahilan kay Yahweh, ako'y magagalak;sa habag sa akin ako'y iniligtas.

10. Buhat sa puso ko'y aking ihahayag,“Tunay ikaw, Yahweh, ay walang katulad!Iniingatan mo laban sa malakas, ang mga mahihina't taong mahihirap,at sa nang-aapi, sila'y ililigtas.”

11. Ang mga masama'y nagpapatotoo,at nagpaparatang ng hindi totoo, sa pagkakasalang walang malay ako.

12. Sa gawang mabuti, ganti ay masama;nag-aabang sa akin at nagbabanta.

13. Kapag sila'y may sakit, ang ginagawa ko,nagdaramit-luksa at nag-aayuno;at nananalangin na yuko ang ulo.

14. Para bang ang aking idinadalangin ay isang kapatid na mahal sa akin;Lumalakad ako na ang pakiramdam,wari'y inulila ng ina kong mahal.