22. Ngunit ikaw, Yahweh, ang nakababatid,kaya, Panginoon, huwag kang manahimik;ako'y huwag mong iiwan sa paghihinagpis!
23. Ikaw ay gumising, ako'y ipagtanggol,iyong ipaglaban ako, Panginoon.
24. O Yahweh aking Diyos, sadyang matuwid ka, kaya ihayag mong ako'y walang sala;huwag mong ipahintulot sa mga kaaway, na sila'y magtawa kung ako'y mamasdan.
25. Huwag mong pabayaang mag-usap-usapan,at sabihing: “Aba! Gusto nami'y ganyan!”Huwag mong itutulot na sabihin nilang:“Siya ay nagapi namin sa labanan!”
26. Silang nagagalak sa paghihirap ko,lubos mong gapii't bayaang malito;silang nagpapanggap namang mas mabuti,hiyain mo sila't siraan ng puri.
27. Ang nangagsasaya, sa aking paglayabayaang palaging sumigaw sa tuwa;“Dakila si Yahweh, tunay na dakila;sa aking tagumpay, siya'y natutuwa.”
28. Aking ihahayag ang iyong katuwiran,sa buong maghapon ay papupurihan!