Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 35:13-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Kapag sila'y may sakit, ang ginagawa ko,nagdaramit-luksa at nag-aayuno;at nananalangin na yuko ang ulo.

14. Para bang ang aking idinadalangin ay isang kapatid na mahal sa akin;Lumalakad ako na ang pakiramdam,wari'y inulila ng ina kong mahal.

15. Nagagalak sila kapag ako'y may dusa;sa aking paligid nagtatawanan pa.Binubugbog ako ng di kakilala,halos walang tigil na pagpaparusa.

16. Natutuwa silang ako'y maghinagpis;sa galit sa akin, ngipi'y nagngangalit.

17. Hanggang kailan pa kaya, O Yahweh, maghihintay ako sa mahal mong tulong?Iligtas mo ako sa ganid na leon;sa paglusob nila't mga pagdaluhong.

18. At sa gitna niyong mga kapulungan, ikaw, O Yahweh, pasasalamatan;pupurihin kita sa harap ng bayan.

19. Huwag mong tutulutang ang mga kaaway,magtawanan sa aking mga kabiguan;gayon din ang may poot nang walang dahilan,magalak sa aking mga kalumbayan.

20. Sila, kung magwika'y totoong mabagsik,kasinungalingan ang bigkas ng bibig,at ang ginigipit, taong matahimik.

21. Ang paratang nila na isinisigaw:“Ang iyong ginawa ay aming namasdan!”

22. Ngunit ikaw, Yahweh, ang nakababatid,kaya, Panginoon, huwag kang manahimik;ako'y huwag mong iiwan sa paghihinagpis!

23. Ikaw ay gumising, ako'y ipagtanggol,iyong ipaglaban ako, Panginoon.

24. O Yahweh aking Diyos, sadyang matuwid ka, kaya ihayag mong ako'y walang sala;huwag mong ipahintulot sa mga kaaway, na sila'y magtawa kung ako'y mamasdan.

25. Huwag mong pabayaang mag-usap-usapan,at sabihing: “Aba! Gusto nami'y ganyan!”Huwag mong itutulot na sabihin nilang:“Siya ay nagapi namin sa labanan!”

26. Silang nagagalak sa paghihirap ko,lubos mong gapii't bayaang malito;silang nagpapanggap namang mas mabuti,hiyain mo sila't siraan ng puri.