Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 34:1-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sa lahat ng pagkakataon si Yahweh ay aking pupurihin;pagpupuri ko sa kanya'y hindi ko papatigilin.

2. Aking pupurihin kanyang mga gawa,kayong naaapi, makinig, matuwa!

3. Ang kadakilaan niya ay ihayag,at ang ngalan niya'y purihin ng lahat!

4. Ang aking dalangi'y dininig ng Diyos,inalis niya sa akin ang lahat kong takot.

5. Nagalak ang aping umasa sa kanya,pagkat di nabigo ang pag-asa nila.

6. Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa,sila'y iniligtas sa hirap at dusa.

7. Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos,sa mga panganib, sila'y kinukupkop.

8. Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh;mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.

9. Matakot kay Yahweh, kayo na kanyang bayan,nang makamtan ninyo ang lahat ng bagay.