15. Ang isip nila'y sa kanya nagmulawalang nalilingid sa kanilang gawa.
16. Di dahil sa hukbo, hari'y nagtagumpay,ni dahil sa lakas, nagwagi ang kawal;
17. kabayong pandigma'y di na kailangan,upang sa digmaa'y kamtin ang tagumpay;di makakapagligtas, lakas nilang taglay.
18. Ang nagmamahal kay Yahweh, at nagtitiwalasa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.
19. Hindi hahayaang sila ay mamatay,kahit magtaggutom sila'y binubuhay.
20. Tanging si Yahweh lang ang ating pag-asa;tulong na malaki at sanggalang siya.
21. Dahil nga sa kanya, kami'y natutuwa;sa kanyang pangalan ay nagtitiwala.
22. Ipagkaloob mo na aming makamit, O Yahweh, ang iyong wagas na pag-ibig,yamang ang pag-asa'y sa iyo nasasalig!