Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 33:1-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Lahat ng matuwid dapat na magsaya,dahil sa ginawa ng Diyos sa kanila;kayong masunuri'y magpuri sa kanya!

2. Ang Diyos na si Yahweh ay pasalamatan,tugtugin ang alpa't awit ay saliwan;

3. Isang bagong awit, awiting malakas,kasaliw ang tugtog ng alpang marilag!

4. Si Yahweh ay tapat sa kanyang salita,at maaasahan ang kanyang ginawa.

5. Ang nais niya ay kat'wira't katarungan,ang pag-ibig niya sa mundo'y laganap.

6. Sa utos ni Yahweh, nalikha ang langit,ang araw, ang buwa't talang maririkit;

7. sa iisang dako, tubig ay tinipon,at sa kalaliman ay doon kinulong.

8. Matakot kay Yahweh ang lahat sa lupa!Dapat katakutan ng buong nilikha!

9. Ang buong daigdig, kanyang nilikha,sa kanyang salita, lumitaw na kusa.

10. Ang binabalangkas niyong mga bansa,kanyang nababago't winawalang-bisa.

11. Ngunit ang mga panukala ni Yahweh,hindi masisira, ito'y mananatili.

12. Mapalad ang bansang si Yahweh ang Diyos;mapalad ang bayang kanyang ibinukod.

13. Magmula sa langit, kanyang minamasdanang lahat ng tao na kanyang nilalang.

14. Nagmamasid siya at namamahalasa lahat ng tao sa balat ng lupa.