Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 32:3-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Nang hindi ko pa naihahayag ang aking mga sala,ako'y nanghina sa maghapong pagluha.

4. Sa araw at gabi, ako'y iyong pinarusahan,wala nang natirang lakas sa katawan,parang hamog na natuyo sa init ng tag-araw. (Selah)

5. Kaya't ang kasalanan ko'y aking inamin;mga pagkakamali ko'y hindi na inilihim.Ako'y nagpasyang sa iyo'y ipagtapat,at mga sala ko'y pinatawad mong lahat. (Selah)

6. Kaya ang tapat sa iyo ay dapat manalangin,sa oras ng kagipitan, ikaw ang tawagin,at sa bugso ng baha'y di sila aabutin.

7. Ikaw ang aking lugar na kublihan;inililigtas mo ako sa kapahamakan.Aawitin ko nang malakas,pag-iingat mo't pagliligtas. (Selah)

8. Ang sabi ni Yahweh, “Aakayin kita sa daan,tuturuan kita at laging papayuhan.

9. Huwag kang tumulad sa kabayo, o sa mola na walang pang-unawa,na upang sumunod lang ay hahatakin pa ang renda.”

10. Labis na magdurusa ang taong masama,ngunit ang tapat na pag-ibig ni Yahwehang mag-iingat sa sinumang nagtitiwala sa kanya.