Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 31:7-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Matutuwa ako at magagalak,dahil sa pag-ibig mong wagas.Paghihirap ko'y iyong nakikita,alam mo ang aking pagdurusa.

8. Di mo ako hinayaan sa kamay ng kaaway;binigyan pa ng laya sa aking paglalakbay.

9. O Yahweh, sana'y iyong kahabagan,sapagkat ako ay nasa kaguluhan;namamaga na ang mata dahil sa pagluha,buong pagkatao ko'y mahinang mahina!

10. Pinagod ako ng aking kalungkutan,dahil sa pagluha'y umikli ang aking buhay.Pinanghina ako ng mga suliranin,pati mga buto ko'y naaagnas na rin.

11. Nilalait ako ng aking mga kaaway,hinahamak ako ng mga kapitbahay;mga dating kakilala ako'y iniiwasan,kapag ako'y nakasalubong ay nagtatakbuhan.

12. Para akong patay na kanilang nakalimutan,parang sirang gamit na hindi na kailangan.

13. Maraming mga banta akong naririnig,mula sa mga kaaway sa aking paligid;may masama silang binabalak sa akin,plano nilang ako ay patayin.

14. Subalit sa iyo, Yahweh, ako'y nagtitiwala,ikaw ang aking Diyos na dakila!