Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 31:4-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Iligtas mo ako sa nakaumang na patibong;laban sa panganib, sa iyo manganganlong.

5. Sa iyong kamay, ipinagkakatiwala ko ang aking buhay.At sa aki'y ibibigay ang iyong kaligtasan;ikaw ay Diyos na mapagkakatiwalaan.

6. Ikaw ay namumuhi sa mga sumasamba sa mga diyus-diyosang walang halaga,ngunit sa iyo, Yahweh, ako umaasa.

7. Matutuwa ako at magagalak,dahil sa pag-ibig mong wagas.Paghihirap ko'y iyong nakikita,alam mo ang aking pagdurusa.

8. Di mo ako hinayaan sa kamay ng kaaway;binigyan pa ng laya sa aking paglalakbay.

9. O Yahweh, sana'y iyong kahabagan,sapagkat ako ay nasa kaguluhan;namamaga na ang mata dahil sa pagluha,buong pagkatao ko'y mahinang mahina!